Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.h. -- EAC vs St.Benilde

2 n.h. -- Arellano vs Mapua

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- Perpetual vs San Beda

Ganap na makopo ang top two seeding papasok ng Final Four ang tatangkain ng Arellano University at San Beda College sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa NCAA Season 92 seniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Magkasunod sa top two spot, taglay ang barahang 13-3 at 12-4, ayon sa pagkakasunod, pormal na aangkinin ng Chiefs at Red Lions ang tangan sa ‘twice-to-beat’ sa krusyal na laro ngayong hapon.

Makakasagupa ng Chiefs ang Mapua Cardinals sa ikalawang laban ganap na 2:00 ng hapon habang makakatunggali ng Red Lions ang University of Perpetual Help sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon.

Ngunit, sa sandaling matalo ang San Beda, magkakaroon ng posibleng pagbabago sa Final Four placing kung saan maari pang umangat ang Altas at Cardinals, ang dalawang koponang nasa 3rd at 4th spots na kapwa may kartang 11-5.

Maari pang pumantay ang Altas at ang Cardinals sa Red Lions sa barahang 12-5, dahilan para magkaroon ng playoff sa pagitan ng dalawang koponang may mataas na quotient para alamin kung sino ang makakasama ng Chiefs na sigurado na sa No.1 spot.

Mauuna rito, magtutuos sa isang no-bearing match ganap na 12:00 ng tanghali ang Emilio Aguinaldo College at College of St.Benilde.

Hangad ng Generals na pumantay sa Lyceum na may barahang 6-11, panalo- talo habang target pa rin ng Blazers ang una nilang panalo. (Marivic Awitan)