Pinayuhan ni Senate Minority Leader Ralph Recto ang pamahalaan na ibilang sa usaping kapayapaan sa rebeldeng komunista, ang posibilidad na maging ‘green army’ ang mga miyembro nito.

Ayon kay Recto, ito ang magandang pagkakataon para maipakita ng mga rebelde na may malasakit at pagmamahal sila sa bayan.

“One area which the GPH-NDF panel can consider in the future is how to eventually deputize the parts of the New People’s Army (NPA) as guardians of the forest, on the possibility of the Red army becoming a Green army,” ani Recto.

Aniya, isang government guard lang ang sumasakop sa may 3,376 ektarya ng kagubatan kaya’t malaki ang pagkakataon ng mga iligalista na gumawa ng hindi ayon sa batas.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi pa ni Recto na sa 11,000 ektaryang Mt. Banahaw sa Timog Tagalog, tatlong forest guard lamang ang bantay, habang dalawang dosenang guwardya naman ang tanod sa 6,600 ektaryang Ipo Watershed sa Bulacan, na nagbibigay ng 97% ng tubig sa Metro Manila, at ang 54.965 ektarya sa Mt. Apo National Park ay mayroon lamang 16 forest rangers.

“So pwede silang magbantay at magtanim. Hindi simpleng gawain ito. Kailangan din ito ng ating bayan at ng susunod na henerasyon. Siguro mas maganda ang implementasyon kung sila ang mangunguna,” ani Recto. - Leonel M. Abasola