RIO DE JANEIRO (AP) — Nabalot ng pagluluksa ang Rio Paralympics nang mamatay ang isang Iranian cycling nang aksidenteng bumangga sa finals ng road race competition nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Kinilala ng International Paralympics Committee ang siklista na si Bahman Golbarnezhad, 48. Nadala siya sa ospital, ngunit namatay din habang binibigyan ng emergency treatment.

“This is truly heart-breaking news, and the thoughts and condolences of the whole Paralympic Movement are with Bahman’s family, friends, and teammates, as well as the whole of the National Paralympic Committee of Iran,” pahayag ni IPC President Philip Craven.

Ito ang kauna-unahang insidente na may nasawi sa quadrennial Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Batay sa report, naganap ang aksidente dakong 10:40 ng umaga (local time) sa mataas na bahagi ng road cycling course. Walang pang inilabas na dahilan nang aksidente at kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan.

“The Paralympic family is united in grief at this horrendous tragedy, which casts a shadow over what have been great Paralympic Games,” sambit ni Craven.

Inilagay ang watawat ng Iran sa half-staff sa Paralympic Village, gayundin sa mga venue na may laro ang Iran bilang pagluluksa. Nakatakda ring magsagawa ng ‘moment of silence’ sa closing ceremony sa Maracana Stadium sa Linggo.

“This is very sad news for sport and for the Paralympic movement,” pahayag ni Carlos Nuzman, head ng Rio Olympic organizing committee. “Our hearts and prayers are with Bahman’s family, his teammates and all the people of Iran.”

Sumabak si Golbarnezhad sa C4-5 race para sa mga atleta na walang mga paa dulot ng kapanganakan o naputulan.