ILOILO CITY – Anim na local government unit (LGU) sa Western Visayas ang posibleng maharap sa mga kasong administratibo at kriminal sa pagkakaroon ng mga open dumpsite na nagdudulot ng matinding panganib sa kalikasan at sa kalusugan.

“Whether the open dumpsites will be shut down or not, the local governments violated the law,” sabi ni Environmental Ombudsman Gerard Mosquera.

Tinapos kamakailan ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon nito laban sa anim na lokal na pamahalaan sa rehiyon na lumabag sa Ecological Solid Waste Management Law.

Sa unang bahagi ng taong ito, tinukoy ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na lumabag sa naturang batas ang mga bayan ng Ajuy, Banate, Concepcion, Sara at Sta. Barbara sa Iloilo at Naban sa Aklan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang nasabing reklamo ng Ombudsman ay maaaring iakyat sa Sandiganbayan, ayon kay Mosquera. - Tara Yap