Dakota Johnson,Jamie Dornan

LOS ANGELES (AP) — Mas curious ang mga manonood sa Fifty Shades Darker kaysa sa Star Wars: The Force Awakens base sa bilang ng mga nanonood ng trailers ng dalawang upcoming movie sa online.

Umani ang Fifty Shades Darker ng 114 million views sa loob ng 24 oras, mas marami kaysa 112 million views ng The Force Awakens, ayon sa Universal nitong Huwebes.

Ginagampanan nina Dakota Johnson at Jamie Dornan ang papel nina Anastasia Steele at Christian Grey sa pelikula, na nakatakdang mapanood sa Pebrero 10.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang promotional spot sinimulan sa online noong Martes at nakakuha ng 39.4 million views sa North America pa lamang.

Kumpara sa Star Wars: The Force Awakens, na inilunsad naman ang trailer sa Monday Night Football noong 2015, umani naman ito 16 million views, na idinagdag sa 112 million views sa online.