Hindi naisakatuparan ni powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta ang target na makapagwagi ng medalya sa pagtatapos ng 2016 Rio Paralympics sa Rio de Janeiro sa Brazil.
Nabigo si Ancheta, bronze medalist noong 2004 Sydney Para Games, sa kanyang laban sa women’s +86 kg. ng powerlifting Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Manila).
“I lifted as best as I could but it wasn’t good enough for a good lift. I am very thankful for the outpouring of support from family, friends, and acquaintances,” pahayag ng 42-anyos mula Kiangan, Ifugao.
Tinangka ni Dumapong-Ancheta na mabuhat ang 112kg sa unang tsansa, 116kg sa ikalawa at 121kg sa final lift, ngunit kinapos ang Pinay.
Sa kabuuan ng kampanya ng Team Philippines, tanging si Josephine Medina sa table tennis ang nakapag-uwi ng bronze medal.
Nabigo si Jerrold Pete Mangliwan na lumahok sa athletics event sa 100m - T52 at 400m, gayundin si Ernie Gawilan sa swimming sa 100m freestyle, 400m freestyle at 100m backstroke S8.
Tumapos naman sa ikapitong puwesto si Agustin Kitan sa men’s –59 kg. sa powerlifting. (Angie Oredo)