Paralympics Medal Count

RIO DE JANEIRO (AP) — Pamilyar na tanawin ang pagsampa sa podium ng Chinese athlete at bigyan ng dangal ang pagawit sa Pambansng Awit ng Mainland.

Sa pagtatapos ng aksiyon, nadomina ng Chinese ang Rio Paralympics.

Tangan ng Team China ang kabuuang 147 medalya, tampok ang 63 ginto matapos ang anim na araw ng kompetisyon.Nakabuntot sa team standing ang United Kingdom na may kabuuang 75 medalya, kasunod ang Ukraine (72), United States (61) at host Brazil (43).

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Mula noong 2004 Athens Games, nakopo ng China ang overall championship .

Sa Rio, ipinadala ng China ang mahigit 300 atleta, patunay sa marubdob na paghahangad na mapabilang sa sports super power maging sa Paralympics.

Bunsod ng dominasyon, ilang delegado ang nagdududa na may ginagawang pandaraya ang China na kaagad namang ibinasura ni Philip Craven, ang International Paralympic Committee president.

“We had a very informal, short board meeting this morning of the IPC and that issue was brought up to us and it is something that we will look into in the future, not to do necessarily with doping, we always look into that anyway, but with regard to what particularly the Brazilian athletes are thinking and saying,” pahayag ni Craven.

[gallery ids="194721,194720"]