KAPWA nagtala nang impresibong panalo sina Genesis Servania at Jonathan Baat kontra sa kani-kanilang Venezuelan rival nitong Linggo sa Sangyo Hall, Kanazawa, Ishikawa, Japan.

Nadomina ni Servania si Alexander Espinoza sa kanilang 8-round bout para manatiling perpekto ang kanyang rekord sa 28-0, tampok ang 11 TKO

Nagwagi siya sa iskor na 80-71 mula sa tatlong huradong Hapones at umaasang magkakaroon ng pagkakataong sumabak sa world title sa taong ito na hindi ibinigay sa kanya noong nasa ilalim pa ng ALA Promotions.

Inaasahang aangat sa world ranking si Servania dahil kasalukuyan siyang nakalista bilang No. 8 contender kay WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na isa ring Pilipino at No. 1 rated sa IBF junior featherweight division na bakante ang korona.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanalo rin sa undercard ang dating world rated super bantamweight na si Baat na tinalo sa 8-round unanimous decision si Iwier Henriquez sa iskor na 79-73, 77-74 at 78-74 sa tatlong huradong Hapones. (Gilbert Espeña)