IBINULONG sa amin ng isang spy namin sa ABS-CBN na nagkakalabuan na raw ang dalawang malaking Kapamilya stars na parehong alagang-alaga ng network.

 Clue? Secret lovers sila na ibinubuking nina Katotong Reggee at Bossing Dindo.

Another clue? Parehong may pinagbibidahang show ang aktres at ang aktor at top-rating pa pareho.

Kuwento ng source sa amin, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at simula noon ay hindi na sila nagkikibuan. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

In fairness naman, kahit parehong busy sa kani-kaniyang paspasang taping at sa iba pang showbiz commitments, hindi naman daw nawawalan ng komunikasyon ang aktor at ang aktres until lately nga ay may pinagtalunan ang dalawa.

Hindi pa malinaw sa source ang dahilan ng pagtatalo ng premyadong aktor at aktres. Pero sa naulinigan daw niya ay may kinalaman ang sigalot sa pagmamaniobra ng showbiz career nila.

Nakakapanghinayang naman kung mauuwi na sa hiwalayan ang dalawa, bagay na bagay pa naman sila dahil parehong masinop at masigasig sa trabaho at pareho ring mapagmahal sa pamilya.

But still, kahit tuluyang magkalabuan ang dalawa at mauwi sa wala ang matagal na rin namang itinatagong relasyon ay wala namang aaminin ang dalawa hinggil sa latest isyu dahil sa totoo lang din naman ay never pa silang namang umamin na may namamagitang “something” sa kanila, huh! (JIMI ESCALA)