KUNG halimbawa mang hindi naging mang-aawit, may alternative career si Katy Perry. Ginamit ng Rise Up singer ang Twitter noong Lunes para ibahagi ang kanyang busy day.

“Helped deliver my sister’s baby at 2pm & am in the studio by 8pm. GET A GIRL THAT CAN DO BOTH!” tweet ni Katy.

Kahit tila nakakatawa at nakakapanibago ang ginawa, sanay na talaga si Perry sa pagpapasilang ng mga sanggol.

Dalawang taon na ang nakalilipas, tinulungan din ni Perry ang kanyang nakatatandang kapatid na si Angel Hudson para manganak sa unang pagkakataon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Finally you can add ‘helps deliver babies in living rooms’ to my resume! It’s been a miracle of a day… Auntie Katy aka Stylist Auntie,” tweet ng singer noong Pebrero 2014.

Maliwanag naman na hindi pababayaan ni Perry ang career habang naglalaan ng sapat na panahon para sa pamilya, dahil inihahanda na ng singer ang bagong awitin para sa kanyang fans.

Samantala, kamakailan ay natanong si Perry kung may posibilidad ba makatrabaho niya ang katunggali sa industriya na si Taylor Swift, at ang sagot ng singer, “If she says sorry, sure!” (ET Online)