amanda-at-thomas-copy

KUMPIRMADONG engage na si Amanda Seyfried sa kanyang boyfriend na si Thomas Sadoski, eklusibong sinabi ng kinatawan ng magkasintahan sa Us Weekly.

“Tommy and Amanda recently got engaged and shared the happy news with family and close friends,” saad ng source na malapit sa dalawa.

Nagkakilala sina Amanda at Tommy noong 2015 nang pagbidahan nila ang play na The Way We Get By, at nagsimula silang mag-date nang magkatrabahong muli sa pelikulang The Last Word. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Noong Martes, Setyembre 6, namataan ang Mamma Mia actress, 30, na naglalakad kasama ang aso nito na si Finn sa New York City at may suot na singsing sa kanyang daliri. Simple lamang at manipis pero kitang-kita ang singsing ng aktres.

Ekslusibong ibinunyag ng Us noong Marso na nagdi-date ang dalawa. Una silang namataan na magkasamang dumating sa trabaho at nakikipaglaro kay Finn noong Marso 3.

Nakipag-date na rin dati si Seyfried kina Justin Long at Dominic Cooper. Noong summer 2015, naghiwalay si Sadoski, 40, at ang asawa sa loob ng walong taon na si Kimbery Hope.

Ito ang magiging unang pakikipag-isang dibdib ni Seyfried. Huling namataan ang aktres at hubby-to-be na magkasamang tumatawa sa LAX International Airport at kasama rin si Finn noong Hunyo 27. (Us Weekly)