lea-copy-copy

WALA naman talagang kinalaman si Lea Salonga sa pagkakahuli sa diumano’y half brother niyang si Philip Salonga sa isang buy bust operation, kaya tama lang ang ginawa ng Quezon City Police Department na klaruhing walang kaugnayan si Lea sa kaso at linisin ang pangalan niya.

Hindi rin naman nagpaapekto sa lumabas na balita si Lea tungkol sa pagkakahuli raw sa kanyang half brother. Sa Instagram, nag-post ang international singer/actress ng, “To make patol is human; to make deadma, divine” at nilagyan ng caption na “Amen.”

Hindi rin mahihingan ng kahit maikling comment si Lea dahil sa latest post niya sa social media, paalis siya at hindi sinabi kung saan pupunta.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Off on another adventure!!!” lang ang kanyang sinabi.