Mga laro sa Miyerkules (Mall of Asia Arena)

8 n.u. -- UE vs UP (W)

10 n.u. -- AdU vs NU (W)

Isang solidong laro ang muling ipinakita ni reigning  MVP Afril Bernardino para sandigan ang defending champion National University sa impresibong 74-52 panalo kontra  Ateneo sa rematch ng nakaraang taong  Finals sa pagpapatuloy kahapon ng UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil sa panalo, napalawig din ng Lady Bulldogs ang record winning streak sa 34.

Nagsalansan si Bernardino ng 17 puntos, walong rebound, limang steal at dalawang assist para sa Lady Bulldogs na nakalamang nang hanggang 34 puntos.

Sumalo rin ang NU sa De La Salle sa liderato hawak ang 2-0 marka.

Nalaglag naman ang   Lady Eagles, pinangunahan ni Kristina Deacon na mayroong 13 puntos, sa 1-1.

Nagwagi naman ang Far Eastern University, sa pangunguna nina Precious Arellado at Maria Balleser, na umiskor ng pinagsamang 29 puntos, kontra Adamson, 61-56.

Buhat sa 29-28 kalamangan sa halftime, isinara ng Lady Tamaraws ni coach Bert Flores ang third period sa pamamagitan ng 9-0 blast para sa 45-40 kalamangan at hindi na bumitaw sa pangingibabaw para maangkin ang tagumpay na nagtabla sa kanila sa University of the East, Ateneo  at sa kanilang biktima sa ikalawang posisyon. - Marivic Awitan