Setyembre 11, 1940 nang ipakita ni George Stibitz ang tamang paggamit sa unang remote computing, gamit ang kanyang Complex Number Calculator sa pagresolba ng iba’t ibang mathematics problem.
Noong araw ding iyon, nagpulong ang American Mathematical Society sa Dartmouth College sa New Hampshire, kasama si Stibitz na ikinokonekta ang computer sa pamamagitan ng 28-wire teletype cable.
Nakiisa si Stibitz, naging research mathematician sa Bell Telephone Laboratories, sa relay switching equipment design. Napansin din niya ang pagkakahawig ng binary notation para sa numero at circuit paths sa pamamagitan ng relays.
Nobyembre 1937, sinimulan ni Stibitz ang pagbuo ng simpleng logical device na binubuo ng flashlight bulbs, dalawang telephone relay, at switch, at iba pa.