Isang lalaki na pinaniniwalaang tagahanga ng NBA basketball player na si LeBron James, ang natagpuang patay at palutang-lutang sa Manila Bay, iniulat kahapon.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’6”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng asul na t-shirt na burdado ng pangalan ni LeBron James, at berdeng jogging pants.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang bangkay na palutang-lutang sa Manila Bay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. - Mary Ann Santiago

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20