Napilitang magkansela ng klase ang Philippine College of Criminology (PCCr) sa Quiapo, Maynila matapos bulabugin ng bomb threat kahapon.

Ayon kay Police Chief Insp. John Guiagui, hepe ng Plaza Miranda police community precinct, dakong 9:05 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang paaralan at isang lalaki ang nagbantang may sasabog na bomba.

“Umalis na kayo riyan at may sasabog na bomba,” pahayag umano ng caller.

Nasundan pa ito dakong 9:20 ng umaga at dito na umano nagdesisyon ang pamunuan na ikansela ang klase at trabaho.

National

PNP, nakahanda sa posibleng pagbabalik-bansa ni Zaldy Co

Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Manila Police District-Explosives and Ordnance Division (MPD-EOD) sa PCCr at walang nakitang bomba. (Mary Ann Santiago)