casimero-copy

Kumpiyansa ang kampo ni Pinoy reigning International Boxing Federation (IBF) flyweight champion Johnriel Casimero na maipapagpag nito ang labis na timbang bago ang nakatakdang laban kay Charlie Edwards ng Great Britain sa Linggo sa London.

Labis nang tatlong pounds ang timbang ni Casimero para sa 112-lb. limit may dalawang araw bago ang gaganapin ang official weigh-in sa O2 Arena sa London.

Ayon kay Jhun Agrabio, trainor ng Pinoy champion, na walang dapat ikabahala dahil madali lamang na alisin ang labis na timbang ni Casimero.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nagyabang naman si Edwards na magiging madali sa kanya ang manalo, higit at alanganin ang kundisyon ng kanyang karibal.

“He’s travelled all this way. When the jetlag sets in after round six - I go up a gear. Then he’s in trouble,” pahayag ni Edwards sa Sportinglife.com. “It’s all become real now I’m back in London. I eat, sleep and breathe boxing. I give it everything. I want to be a multi-weight world champion in the future. We focus on Saturday now. I’m saying this, Casemiro – that belt is staying in London.”

Nakatakda ang unang title defense ni Casimero bilang undercard sa inaabangang salpukan nila Gennady Golovkin at Kell Brook sa Linggo (Setyembre 10) sa O2 Arena na mapapanood sa HBO Sports at Sky Sports Box Office.

Hindi pa nakuntento si Edwards at muling ipinagyabang ang kanyag sikreto para manalo kay Casimero (22-3, tampok ang 14 knockout).

“He’s a very good fighter and a two-weight division world champion. He can punch with both hands but I see a downfall in his feet, he is slow on them. I know with my awkwardness and trickiness and the way I hit and move. I feel confident that I can do the business and I’m ready. I’ve looked at Casemiro and really believe I’m going to take that title off him. I’m going to introduce myself to the world scene on Saturday,” ayon kay ng Edwards na may 8-0 marka. (Gilbert Espeña)