MADRID (AFP) – Tinatayang 1,400 katao ang inilikas dahil sa wildfire sa isang sikat na tourist resort sa Costa Blanca, Spain, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes.

Sumiklab ang sunog noong Linggo malapit sa Mediterranean resort ng Javea at umabot na sa sikat na holiday spot ng Benidorm. Sinira nito ang 320 ektarya ng lupain at ilang mga gusali.

Naniniwala ang mga awtoridad na sinadya ang sunog dahil lumalabas na magkasabay itong nagsimula sa iba’t ibang lugar.

“This is environmental terrorism, it goes beyond putting at risk our natural heritage, it directly attacks people,” sabi ni Ximo Puig, pinuno ng regional government ng Valencia.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline