Demi copy

NAKATUTULONG talaga ang mga awitin ni Adele sa mga pusong sawi.

Damang-dama ito ni Demi Lovato sa kanyang konsiyerto sa Cleveland, Ohio noong Biyernes at inawit ang When We Were Young ni Adele -- at kuhang-kuha niya ang timpla!

Sinabi ng isang saksi sa ET na sa kabila ng malungkot na himig ng awitin, ang 24-anyos na singer ay “all smiles, and seemed like she was really enjoying herself.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ipinakilala ni Demi ang cover bilang isa sa kanyang “all-time favorite songs,” at sinabing ito ang unang pagkakataon na inawit niya ito nang live.

Interesting choice ang awit para kay Demi, kasunod ng mga tsismis na muling nagkakamabutihan ang kanyang ex-boyfriend na si Wilmer Valderrama at si Minka Kelly, na tila pagtukoy sa post niya sa Twitter sa bisperas ng kanyang

performance.“You have to be capable of being honest with yourself before you can get honest with other people,” saad niya noong Huwebes.

Sina Wilmer at Minka, na unang naugnay sa isa’t isa noong 2012, ay nakitang naghahapunan sa Hollywood noong nakaraang linggo, at sinabi ng isang eyewitness sa ET na mukhang “much more than just friends” ang dalawa.

Ayon sa mga saksi, hindi maialis ni Wilmer ang mga kamay nito kay Minka (“touched her back as they were waiting to be seated”). Magkasabay na dumating at umalis ang dalawa, at bumalik sa bahay ng dating bituin ng Friday Night Lights pagkatapos ng dinner.

Sina Demi at Wilmer, 36, ay naghiwalay noong Hunyo.

“After almost 6 loving and wonderful years together, we have decided to end our relationship,” anila sa kanilang joint statement. “This was an incredibly difficult decision for both of us, but we have realized more than anything that we are better as best friends,” anila sa joint statement. (ET Online)