Iniutos ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapauwi sa kanilang bansa sa 177 Indonesian matapos ibasura ang kaso laban sa mga ito kaugnay sa paggamit ng Philippine passport patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) para sa hajj.

Lumabas sa imbestigasyon ng Board of Commissioners na ang mga nabanggit na dayuhan ay mga biktima ng mga Pilipino na natuklasang nag-ayos ng kanilang nabigong pilgrimage sa KSA.

Gayunman, maiiwan sa Pilipinas ang siyam na Indonesian na tatayong pangunahing saksi sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanilang mga kasabwat na Pilipino. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter