UNITED NATIONS (AP) – Magsasagawa ang UN Security Council ng straw poll sa Biyernes (Setyembre 9) sa 10 kasalukuyang kandidato para maging susunod na UN secretary-general kapalit ni Ban Ki-moon sa Enero 1, inihayag ng president ng council, si Ambassador Gerard Jacobus van Bohemen ng New Zealand.

Ang isa pang round ng lihim na pagtitimbang ay gaganapin sa Setyembre 26, lahad ni Bohemen sa mga nakaprogramang gagawin ng 15-nation council ngayong buwan. Ginanap ang unang straw poll ng council noong Hulyo 21.

Ang mga balota ng council members ay minarkahan ng tatlong column – “encouraged,” “discouraged,” at “no opinion expressed” para sa bawat kandidato.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo