Agad ikinasawi ng isang taxi operator ang pananambang at pamamaril ng isang armado sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Alida Camacho, alyas “Lai”, 37, ng No. 19 B, Miracle Street, Barangay 153, Bagong Barrio, ng nasabing lungsod.

Sa ulat nina SPO4 Joel Montebon at SPO2 Frederick Manansala ng Station Investigation Division (SID), dakong 5:15 ng hapon nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng Caimito Road, Barangay 80, Caloocan City.

Naglalakad umano ang biktima nang biglang harangin at pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang matiyak na patay na si Camacho, tinawag ng suspek ang kasabwat na tricycle driver at tumakas papuntang Malabon City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

“May mga anggulo pa tayong tinitingnan para ma-establish natin ‘yung talagang motibo sa pagpatay kay Lai, “sambit ni SPO4 Montebon. (Orly L. Barcala)