TAYUG, Pangasinan – Isang barangay chairman ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi nakilalang armadong lalaki sa Barangay Libertad sa bayang ito.

Ayon sa Tayug Police, dakong 9:10 ng umaga nitong Martes nang pagbabarilin si Reynel Carpio, 49, may asawa, chairman ng Bgy. San Isidro sa San Nicolas, Pangasinan.

Tinamaan si Carpio sa iba’t ibang parte ng katawan ng mga bala ng .9mm calibre at .45 caliber pistols.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog