Siyam na katao ang inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay, kahapon ng madaling araw.

Naghihimas ngayon ng rehas sina Lyne Fegueroa, alyas “Lyne”, 33, ng Block 12, Lot 80 Purok 6, Sitio Sagingan Upper Bicutan at pinsan niyang si Jun-Jun Fegueroa, alyas “Jun-Jun”, 29; Darwin Echano, 31, ng Bgy. Maputi Masantol, Pampanga; Rassel Tuy, ng No. 092 Taal Pulilan, Bulacan; Michael Jan Cunana, alyas “Kell”, 26, ng No. 149 Lopez Jaina Sto. Cristo Baliuag, Bulacan; Ariston Base, alyas “Butch”, 41, ng Banawan Pioduran, Albay; Antonio Olili, alyas “Bok”, 36; Eduardo Ocoy Jr., alyas “Weng”, 23, ng Block 87, Lot 18, Phase 6, Upper Bicutan, Taguig City; at Wilhelm Diaz, alyas “Nonoy”, 42, ng Maharlika Road, Upper Bicutan ng naturang lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) Chief Supt. Jenny Tecson, dakong 3:30 ng madaling araw nadakip nina SPO1 Cyrus Lopez, PO1s Ronald Novida, Macario Esteban, at Ronel Popanes ang mga suspek na huli sa aktong humihithit ng shabu sa loob ng bahay sa Block 12, Lot 80, Purok 6, Sitio Sagingan, Upper Bicutan.

Narekober ang isang pakete ng shabu, isang maliit na foil, at isang pirasong water pipe. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20