KAHIT hindi na kailangan, nag-sorry pa rin si Glaiza de Castro sa ilang Aldub Nation fans na hindi nagustuhan ang pahayag niya tungkol kay Alden Richards na, âIâve always believed in him more than the AlDub guy. And I think excited na rin siya dahil matagal na rin siyang hindi sumabak sa mga ganitong genre.â
May nam-bash kay Glaiza dahil sa naging pahayag at sa sinabing masaya siya na maging bahagi ng Encantadia si Alden.
Ang dating ng kanyang sinabi sa ilang AlDub fans, minaliit ni Glaiza ang nagawa ng AlDub phenomenon kay Alden.
Kaya para hindi na lang lumaki ang isyu at hindi mag-away ang fans niya at AlDub fans, nag-tweet si Glaiza ng, âPasensya na po kayo kung iba ang dating sa inyo. Hihingi na lang po ako ng paumanhin sa idol niyo âpag nagkita kami sa set. Good vibes na lang.â
Naunang nag-tweet si Glaiza ng, âAno pong nasabi kong masama?â na kung iisipin, wala naman talaga. Sinagot lang niya ang tanong ng mga reporter sa pagpasok ni Alden sa Encantadia na sabi, hindi lang three days, kundi three weeks.
Anyway, nanalong Teleserye Actress si Glaiza sa PEP List 3 para sa portrayal niya ng isang tomboy sa The Richmanâs Daughter. Part ng kanyang speech nang tanggapin ang award ang paglilinaw na, âhindi po ako tomboy.â
May fans kasi na kahit matagal nang wala sa ere ang The Richmanâs Daughter, gusto pa ring maging totohanan ang relasyon nina Glaiza at Rhian Ramos na gumanap bilang girlfriend niya sa teleserye ng GMA-7. (Nitz Miralles)
