WARSAW (AP) — Binura ni World at Olympic champion Anita Wlodarczyk ng Poland ang sariling hammer world record sa layong 82.98-meter nitong Linggo (Lunes sa Manila) para pagwagihan ang naturang event sa Kamila Skolimowka Memorial.

Naitala ni Wlodarczyk ang dating world record na 82.29-meter para makamit ang gintong medalya sa Rio Olympics sa Brazil.

Nalagpasan ng 31-year-old thrower ang dating meet record sa kanyang limang pagtatangka, simula sa 79.68 meters.

'PH, this is for you!' EJ Obiena inalay 'historic' 4th SEA Games Gold Medal sa Pinas