Isang paring Pinoy ang inordinahan bilang bagong obispo ng Diocese of Chalan Kanoa sa Saipan, iniulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Si Bishop Ryan Jimenez, 44, tubong Larena, Siquijor, ay 12 taon pa lamang na pari bago naluklok bilang ikalawang Obispo ng Chalan Kanoa.

Anim na taong nabakante ang posisyon matapos magretiro si Bishop Emeritus Tomas Camacho.

Si Archbishop Savio Tai-Fai Hon, SDB, Secretary ng Congregation of the Evangelization of Peoples at Apostolic Administrator of Archdiocese ng Agaña sa Guam, ang nag-officiate ng ordinasyon ni Jimenez sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Chalan Kanoa kamakailan. (Mary Ann Santiago)

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'