Itinanggi ni Senator Leila de Lima ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may bago na naman daw siyang boyfriend na ang pangalan ay ‘Warren’ na ibinida umano ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Pangulo.

“Wala akong boyfriend. Sana nga mayroon boyfriend para may katuwang ako sa aking problema, ‘Di ko alam tsismoso na pala si Chairman Francis, I wonder what he is now” ani De Lima.

Si Tolentino ay ika-13 noong nakaraang senatorial elections, kabuntot ni De Lima. Naghain na rin ng electoral protest ang dating MMDA chairman laban kay De Lima.

Sa report, ang ‘Warren’ na binabanggit ng Pangulo ay nag-aapelyido umano ng Cristobal.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“He is just assigned to me, and he is no longer connected with the MMDA,” ayon kay De Lima. (Leonel Abasola)