MARAMI sa mga Kapuso natin ang nawawalan na ng pag-asa dahil sa problema sa kanilang buhok. Ang iba ay dahil sa sakit na alopecia kaya naman nakalbo na. Ilang mapapalad na letter senders na humingi ng tulong kay Ricky Reyes ang mabibigyan ng lunas dahil sa wig na ka-ibig-ibig ng pamosong beauty expert.

Ipapakilala rin ang isang herbal oil na nagpapagaling umano ng ilang karamdaman, nadiskubre ng Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT). Ang Krystall Herbal Oil ay imbensiyon ni Fely Guy Ong na mayroong pilosopiya na ang kalusugan ay mula sa kalikasan. Natural healing sa pamamagitan ng alternative medication.

Itinatag niya ang FGO Herbal Foundation, Inc. na may advocacy na bukod sa makakagaling ay makakatulong din.

Itatampok din ang Kapuso hunks na gumanap ng gay acting roles, na umano’y naging daan ng kanilang pagsikat. At sa Showbiz Express ni Aster Amoyo, binisita ang location ng pagbabalik ng comedy film na Mang Kepweng Returns kasama ang ilang Kapuso stars.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Lahat ng ito ay ibabahagi ng GRR TNT ngayong Sabado, August 27, 9-10 AM sa GMA News TV.