Kabilang ang National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa naninindigan na malaki ang kapasidad ng Pinoy na umangat sa sports na weightlifting.

Nakamit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang silver medal sa Olympics matapos ang 20 taon sa katatapos na Rio Games.

Bunsod nito, ipinahayag ng NAASCU management committee (Mancom) na kabilang sa sports calendar para sa ika-16 season ng liga ang weightlifting. Nakatakdang magbukas ang liga sa Agosto 25 sa Cuneta Astrodome.

Ito ang sinabi ni NAASCU Chairman Dr. Jay Adalem sa pagdalo kasama sina Olympian Ato Tolentino at secretary general Harden Ruiz, gayundin ang mga coach sa seniors basketball sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Actually, matagal na namin gustong isama sa sports natin ang weightlifting dahil hindi kailangan ang malaking gastos. But the thing is the schools is deeply concern about the safety precautions of the sports dahil mga estudyante ang kasali. Although we can tap the proper National Sports Association, sana hindi nila taasan ang gastusin,” sabi ni Adalem.

Bitbit ang theme na “Stronger at 16”, kabuuang 14 na koponan na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng liga ang magsasagupa ngayong taon.

Walong koponan lamang ang kasali sa nakalipas na season.

Kabuuang 10 sports ang paglalabanan na kinabibilangan ng men at women’s volleyball, cheering competition, chess, athletics, swimming, taekwondo, table tennis, beach volley, badminton at ang tampok na basketball. Isasagawa na rin ngayong taon ang Olympic sports na Handball bilang demonstration sports.

Ang 14 na koponan ay binubuo naman ng AMA, De Ocampo-Nagtahan, EARIST, ENDERUN-Mckinley, Lyceum of the Philippines-Subic, Manuel Luis Quezon University, New Era College, Our Lady of Fatima, Philippine Merchant Marine School, City University of Pasay, Philippine Christian Univeirsty, Rizal Technological Univeristy, at Saint Claire.

“It has always been a dream of the league outside of the big ones that we cannot be called copycat anymore. We are all Academicians but we really need to help sports in the country,” pahayag ni Adalem.

Agad na magsasagupa sa pagbubukas ng torneo sa unang laro sa ganap na 9:00 ng umaga ang St. Clare kontra sa nagbabalik na AMA bago sundan sa ganap na 10:30 ng umaga sa pagitan ng City University of Pasay at Colegio de San Lorenzo. Sunod sa ganap na 12:00 ng tanghali, ang PMMS kontra Our Lady of Fatima at sa ganap na 1:30 hapon sa PCU laban sa Lyceum.

Magsisilbing tournament commissioner si dating Games and Amusement Board (GAB) commissioner Fritz Gaston habang gagamitin ng liga ng mga referees na namamahala sa PBA D-League. (Angie Oredo)