Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- San Beda vs San Sebastian

2 n.h. -- LPU vs Mapua

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- Jose Rizal vs Letran

Itataya ng San Beda College ang kanilang pamumuno sa pagsalang ngayong hapon kontra San Sebastian College sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 92 basketball tournament sa San Juan Arena.

Sasabak ang Red Lions na wala ang premyadong center na si Donald Tankoua matapos magtamo ng ACL (anterior cruciate ligament) sa nakaraang laban kontra Emilio Aguinaldo Generals.

Itinuturing itong malaking dagok para sa Red Lions na kinakailangang mapunan ang puwang na maiiwan ni Tankoua.

“We can’t fill the vacuum he (Tankoua) left by just one or two players, we need to do it as a team,” sambit ni San Beda coach Jamike Jarin.

Tinutukoy ni Jarin ang kanyang nalabing big men na sina Benedict Adamos, Calvin Optana, Antonio Bonsubre at Raniel Navarro.

Inaasahan namang pahihirapan ng Stags ang Red Lions lalo pa’t inspirado ito sa naitalang upset win (71-55) kontra dating pumapangalawang Perpetual Help nitong Biyernes.

Samantala, magtutuos naman sa ikalawang laban, sa ganap na 2:00 ng hapon, ang magkapitbahay na Mapua at Lyceum of the Philippines na susundan ng harapan ng defending champion Letran at Jose Rizal University ganap na 4:00 ng hapon.

Ang Cardinals ay kasalukuyang nasa ika-4 na posisyom taglay ang barahang 6-4 habang ang Pirates, Knights at Heavy Bombers ay nakabuntot sa kanila taglay ang patas na barahang 5-5.

Sa apat na koponan, mataas ang morale ng LPU at JRU dahil galing sila sa panalo, ang Pirates laban sa Knights, 66-68 at Heavy Bombers kontra sa Cardinals, 60-65, nitong Huwebes. (Marivic Awitan)