BUTUAN CITY – Nakatakdang palayain sa Sabado ng New People’s Army (NPA) ang mga prisoner of war (POW) nito sa Surigao del Norte at Surigao del Sur, sa isang hindi tinukoy na lugar sa hilaga-silangang Mindanao.

Sa panayam ng isang lokal na himpilan ng radyo rito kahapon, sinabi ng isang “Ka Uto”, ng Front Committee 16 ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF)-NPA Northeastern Mindanao Regional Committee na palalayain na ang mga pulis na bihag ng kilusan, alinsunod sa sinimulang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF sa Oslo, Norway.

“Ang third-party facilitator (provincial crisis management committee) muhangyo lang sa military ug police sa suspension of military ug police operasyon sa probinsya para sa siguridad sa pagbuhi sa mga prisoners of war gikan sa custodial force (Dapat na hilingin ng third-party facilitator sa militar at pulisya ang suspensiyon ng mga operasyon sa lalawigan para sa ligtas na pagpapalaya sa mga prisoners of war),” ani Ka Uto.

Hulyo 24 ngayong taon nang dukutin ng NPA sina SPO3 Santiago B. Lamanilao, ng Surigao City Police; PO3 Jayroll H. Bagayas; at PO2 Caleb C. Sinaca, kapwa ng Malimono Municipal Police; at Rodrigo T. Angob, non-uniformed personnel sa Malimono Police sa Surigao del Norte; samantala Hulyo 5 naman dinukot si PO1 Richard Yu, Jr. ng Carmen Municipal Police sa Surigao del Sur.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang nagdeklara ang NPA ng isang-linggong tigil-putukan simula 12:01 ng umaga ng Agosto 21 hanggang 11:59 ng gabi sa Agosto 27 kaugnay ng peace talks (Agosto 22-26) sa Norway.

Pero bago ito, tinambangan ng NPA ang militar nitong Biyernes sa Dingalan, Aurora, na ikinamatay ng isang sundalo at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Dead on the spot si Pfc. Reggie Esmeralda Aron, habang sugatan n

aman sina 1Lt. Gerlyn Batumalaque at Sgt. Mike Basiwat, ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army, makaraang tambangan ng NPA habang sakay sa bangka patungong Sitio Sinangawan, Bgy. Umiray, Dingalan. (Light A. Nolasco at Mike U. Crismundo)