matteo at sarah copy

KAHANAY na ni Matteo Guidicelli sina dating ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Piolo Pascual at Judy Ann Santos bilang endorser ng Sunlife of Canada.

 

Ang iniendorso ni Matteo ay ang Sun Life Financial’s Prosperity Card na isang uri ng investment na tiyak na walang lugi dahil sa halagang P5,000 ay maaaring kumita ng malaki nang hindi mo nararamdaman.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

Ang paliwanag ng Sun Life Asset management Company, Inc. President Valerie Pama, “By investing in mutual funds, one can make his money work harder for him, as against simply leaving all of in the bank.”

 

Nabanggit na dahil hindi naman kalakihan ang kinikita ng pera kapag nakalagak sa bangko, might as well i-invest sa mas malaki ang kinikita buwan-buwan.

 

Hindi raw uso ang tinatawag na dormant kapag nag-invest ka sa Sun Life Prosperity Card dahil kahit hindi mo na ito hulugan ng buong buhay mo ay walang epekto kumpara kung sa bangko ay tinatawagan para i-update.

 

Nagbigay ng ehemplo ang Star Magic publicist na si Thess Gubi na ang P5,000 niyang Sun Life Prosperity Card na kinuha niya noong Disyembre ay kumita na ng P600 pesos sa loob lang ng limang buwan.

 

Totoo naman talaga na sa bangko ay hindi kumikita ng ganoon kalaki ang P5,000 sa loob ng kaparehong panahon.

 

Negosyante na rin si Matteo na may sariling restaurant sa Cebu at production house, at nag-invest din sa Sun Life Prosperity Card. Paghahanda na ba ito para sa future nila ni Sarah Geronimo?

 

“Everything’s in preparation for that. You know, I’ve so many dreams to fulfill first; there are so many things I want to complete as my own, as individual kung baga. So, I think, I’m just gonna take a few more years and yes, siyempre, I think I found the one and yes, it’s in preparation for the future,” nakatawang pag-amin ni Matteo.

 

Magkaiba ang life insurance na iniendorso nila ni Sarah, kaya tinanong siya kung hindi ba nila ito pinagtatalunan.

 

“Hindi, kasi mas maganda ang insurance firm ko, eh, ha-ha-ha,” tumawang sagot ng aktor.

 

Naikuwento rin ng aktor na life-changing sa kanya ang taong ito dahil nag-umpisa na siyang mag-isip para sa future niya.