Rio Olympics Basketball Men

All-NBA US five, kumubra ng ikaapat na sunod na Olympic gold.

RIO DE JANEIRO (AP) — Marami ang dismayado sa pagkawala ng dominanteng porma ng all-NBA US men’s basketball team.

Ngunit, tulad ng dapat asahan, nanatili ang kampeonato sa mga bata ni Uncle Sam – sa ikaapat na sunod na Olympics.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ibinuhos ng US team ang nalalabing lakas, talento at katatagan sa karibal na may marubdob na hangaring makagawa ng kasaysayan para maitarak ang pinakamatikas na panalo, 96-66, kontra Serbia nitong Linggo (Lunes sa Manila).

“I know there was kind of a lot of buzz around us not playing well a couple of games, two, three games in the early round,” pahayag ni Carmelo Anthony, ang star player ng New York Knicks.

“But the way that we locked in and the way that we focused in to be able to have this gold medal around our necks was special.”

Ito ang kauna-unahang Olympic medal ng Serbia bilang isang independent nation. Naglalaro ang Serbian bilang bahagi ng Yugoslavia bago naging Serbia and Montenegro sa nakalipas na taon.

Naging tampulan ng kritiko ang US Team bunsod nang pagkawala ng pinakamalalaking pangalan sa NBA, gayundin ang malamyang laro sa preliminary round.

Sa pinakaimportanteng laro, pinatunayan ng Americans na taglay nila ang kakayahan para muling tumayo sa golf medal podium.

“We came here and despite what people are saying about this group, being less talented and not blowing teams out, we did a good job of bottling all that up and unleashed it on Serbia,” sambit ni forward Paul George ng Indiana Pacers.

Nanguna si Kevin Durant, lalaro sa Golden State sa pagbubukas ng season, sa nakubrang 30 puntos sa championship match at sa huling paggabay ng nagretiro nang si coach Mike Krzyzewski.

Nabigo naman ang Australia na makamit ang kauna-unahang medalya sa Olympics nang maungusan ng Spain, 89-88, sa kontrobersiyal na duwelo para sa bronze medal.

Iginiit ng Australian na lubhang malambot ang naging tawag ng Serbian referee na si Ilija Belosevic na anila’y nagbigay bentahe sa Spaniards, runner-up sa Americans sa huling dalawang Olympics.

“It’s frustrating when their last four points come from the foul line on what you would term soft fouls,” pahayag ni Australia coach Andrej Lemanis.

Hataw si NBA star Pau Gasol sa natipang 31 puntos, tampok ang apat na krusyal free throw at 11 rebound.

“To go home as gold medalists and leave Coach K off with another gold was one of our main goals as well,” sambit ni Durant.