Inaresto kahapon ng Pasay City Police ang lalaki na nahuli sa aktong kinukunan ng litrato ang sarili niyang pamangkin habang ito’y naliligo umanong niyang.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Frederick Mesias, 38, walang trabaho, pansamantalang nanunuluyan sa alyas na “Lily”, 20, ng Leonardo St., Barangay 61 sa Pasay City.

Base sa imbestigasyon, naliligo si Lily dakong 9:30 ng umaga nang paulit-ulit umano niyang narining ang click ng camera.

Binalewala umano ni Lily ang kanyang narinig, inisip na ang nakababata niyang kapatid, si Mimi, 17, ay kumukuha lamang ng selfie.

Gayunman, pagkatapos maligo ng biktima, nilapitan umano ni Mimi si Lily at sinabing nakita niyang kinukunan siya ng litrato ni Mesias habang naliligo.

Internasyonal

‘Nagpapapansin!’ Netizens, dinogshow missile testing ng North Korea

Ayon sa pulis, isinumbong ng magkapatid sa kanilang ina ang nangyari at agad ini-report ang insidente sa mga awtoridad. Sa isang follow up operation, inaresto ng mga pulis si Mesias sa mismong tahanan ng biktima.

Ang ina ng mga bata, na tumangging ipabanggit ang pangalan, ay hindi umano makapaniwala na gagawin iyon ng suspek sa kanyang anak.

Nang maaresto, sinabi ni Mesias na kinukunan lamang niya ng litrato ang sarili at hindi intensyong abusuhin ang pamangkin.

Gayunman, narekober ng mga imbestigador ang cellphone ni Mesias na may mga kuhang larawan ng biktima.

Dahil sa sapat na ebidensya, ikinulong si Mesias sa Pasay City Jail at kinasuhan ng child abuse.

(MARTIN A. SADONGDONG at BELLA GAMOTEA)