MATAPOS ang tagumpay sa mga nakalipas na buwan, ang New San Jose Builders ay muling lalahok sa darating na 2016 MBL Open (Second Conference) basketball championship simula sa Setyembre 3.

Sa pamumuno nina coach Ranier Sison, consultant Jino Manansala at owner Jerry Acuzar, ang NSJBI ay umaasam na mapataas ang kanilang third place finish sa likod ng champion Macway Travel Club at runner-up Philippine Christian University-LEX.

“Naging maganda ang pakita ng aming team (NSJB) sa una naming paglahok sa nakalipas na conference, kung saan nasungkit namin ang third place kasunod ng mga established teams gaya ng Macway at PCU,” pahayag ni Sison.

“Ngayon, susubok naman kami na malagpasan pa ito,” aniya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ipinahayag naman ni playing team manager Jomar Acuzar na ang mga NSJB players ay patuloy na nag-eensayo matapos ang MBL Open “upang mapanatili ang magandang physical condition at ma-improve ang playing skills, individually at bilang isang team.”

Ang iba pang mga imbitadong team para sa darating na MBL Open ay ang Macway Travel (Erick Kirong/Braulio Lim), dating MBL champions Gerry’s Grill-Diliman College (Jerome Ngo/Rensy Bajar), Sea Lions (Jemuel Laron) at Wang’s Ballclub ( Alex Wang/Pablo Lucas), Jamfy-Pioneer (Macky Villarta), Urban Cut (Ralph Ripalda) at Philippine Air Force (Alvin Zuniga).

Maaaring makipag-ugnayan kay Albert Andaya sa cell no. 0917-7688638.