PHOTO CAPTION copy

MULING pumirma ng dalawang taong eksklusibong kontrata sina Vhong Navarro, John Prats, at Billy Crawford samantalang tatlong taong eksklusibong kontrata naman ang pinirmahan ni Luis Manzano sa ABS-CBN kamakailan.

Nakatakdang gawin ni Vhong ang panibagong season ng Dance Kids at patuloy siyang magho-host ng It’s Showtime. Bukod naman sa kasalukuyang programa ni John na Banana Sundae, napapanood din siya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Samantala, ibinunyag naman ni Billy ang dalawang bagong programa sa Kapamilya Network na kabibilangan niya, ang Pinoy Boyband Superstar at Dancing With The Stars. Bukod pa sa pagiging regular sa ASAP at It’s Showtime, kasama rin sa mga proyekto ni Billy ang Your Face Sounds Familiar.

Makaaasa naman ang mga tagahanga ni Luis na may bago siyang mga proyekto bukod pa sa kasalukuyang umeereng mga programang Minute To Win It, Family Feud, The Voice Kids Season 3, at ASAP.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hinarap at sinamahan sina Luis, Billy, John at Vhong sa pagpirma ng kontrata ng president at chief executive officer ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, chief operating officer para sa Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes, head of Finance for Broadcast and Integrated News and Current Affairs Cat Lopez, at kasama rin ang manager ni Vhong na si Chito Roño, ang manager nina John at Billy na si Arnold Vegafria, at si June Rufino na manager naman ni Luis.