Mga Laro ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- Mapua vs Jose Rizal

4 n.h. -- Letran vs LPU

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Tatangkain ng Mapua na magpakatatag sa ika-4 na puwesto habang palalakasin ng defending champion Letran ang kanilang tsansa para sa playoffs sa pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Magkasunod sa kasalukuyan hawak ang barahang 6-3 at 5-4 karta, paiigtingin nila ang kampanya sa torneo.

Mauunang sasalang ang Cardinals ganap na 2:00 ng hapon kontra Jose Rizal University na napakataas ng morale kasunod nang malaking panalo kontra league leader San Beda sa pagtatapos ng first round.

Hawak ang barahang 6-3, sisikapin ng Cardinals na makabawi sa kanilang mas mababang performance sa unang round dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari - ang pagkapinsala ng key players na sina reigning MVP Allwell Oraeme at ace guard CJ Isit.

Isa sa mga itinalagang pre- season favorite ang Cardinals matapos pumasok sa unang pagkakataon sa Final Four noong isang taon.

Ngunit, tiyak naman na hindi papatalo ang Heavy Bombers na sasakyan ang momentum ng malaking panalong naitala kontra Red Lions.

Sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon, magsisikap ang Knights na manatiling nasa gitna ng standings sa pagsagupa sa kapitbahay nilang Lyceum of the Philippines na kasalo ng Heavy Bombers sa ikalimang puwesto hawak ang barahang 4-5.

(Marivic Awitan)