BATON ROUGE, La. (AP) – May 40,000 bahay ang nasira at 11 katao na ang namatay sa makasaysayang baha sa Louisiana, sinabi ng gobernador noong Martes.

Sinabi ni Gov. John Bel Edwards sa isang news conference kasama si Federal Emergency Management Agency (FEMA) administrator Craig Fugate, na mahigit 20,000 katao na ang sinagip sa mga pagbaha na nagsimula noong Biyernes.

Kalaunan ay itinaas ng kanyang opisina ang bilang sa mahigit 30,000 nasagip.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo