NAGKALOOB ng $1 million si Taylor Swift sa Louisiana flood relief na nakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan at matinding pagbaha na kumitil na ng 11 katao.

Sinabi ni Swift sa The Associated Press noong Martes na maayos siyang tinanggap ng mga residente ng Louisiana nang sinimulan niya ang U.S date sa kanyang 1989 World Tour sa state noong nakaraang taon.

“We began The 1989 World Tour in Louisiana, and the wonderful fans there made us feel completely at home. The fact that so many people in Louisiana have been forced out of their own homes this week is heartbreaking,” sabi ng 26-year-old singer sa isang pahayag.

Ang pagbaha ay isa sa mga pinakamalaking dagok sa kasaysayan ng Louisiana, na puminsala sa halos 40,000 na kabahayan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mahigit 60,000 katao ang nagparehistro para sa disaster aid sa Federal Emergency Agency matapos ang malawakang pagbaha na tumama sa estado, ayon sa tanggapan ni Louisiana Gov. John Bel Edward.

“I encourage those who can to help out and send your love and prayers their way during this devastating time,” saad ni Swift

Umaabot na sa 30,000 katao ang nailigtas simula noong Biyernes. (AP)