Mikael Megan copy

HINDI isyu kay Mikael Daez na hindi siya ang katambal ng girlfriend na si 2013 Miss World Megan Young kundi si Dingdong Dantes.

Biniro rin ng press si Mikael na maging ang favorite niyang leading lady na si Andrea Torres ay katambal din ni Dingdong. Hindi ba siya puwedeng maging bida ng Alyas Robin Hood, ang action-comedy series na ididirek ni Dominic Zapata?

“Katatapos ko lang ng drama-comedy series, ang Poor Senorita kaya expected ko nang wala pa akong bagong soap na gagawin,” natatawang sagot ni Mikael. “Hindi rin question sa akin kung hindi kami pagtambalin ni Megan. Naging mabait sa akin ang GMA at hindi ako nawawalan ng project na ginagawa. Time din munang ituloy ko ang paborito kong pagta-travel. Pero tuloy pa rin ako sa segment ko sa Saksi, ang ‘Midnight Express’ na madalas nakukuha ko ang mga ipini-feature kong dishes sa pagta-travel ko.”

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Biniro rin si Mikael kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila pormal na umaamin ni Megan.

“Kailangan pa ba ‘yon? Go to my Instagram account, naroon na ang sagot. Siguro, kahit paano gusto pa rin naming may mystery. Hindi naman namin ikinakaila. Nakikita rin naman ninyo kaming laging magkasama, travel buddies kami kapag pareho kaming libre, at kung saan-saan kami pumupunta. Enjoy lang kaming dalawa.”

Malamang na hosting job ang assignment na ibigay ng Siyete sa kanya.

“Nag-audition ako, lagi naman akong pinag-o-audition ng GMA, screen test, kapag may bagong show, ako naman go lang nang go. Enjoy naman ako sa ganoon, dahil lagi akong may natutunan everytime mag-audition or mag-screen test ako. I guess ibang project ang gagawin ko, hindi soap. Hindi ako namimili ng trabaho. Hosting, naman ngayon, so let’s see!” (NORA CALDERON)