NANGUNA ang soundtrack ng comic book movie na Suicide Squad sa weekly U.S. Billboard 200 chart noong Lunes.

Tampok sa soundtrack ng Suicide Squad ang mga awitin ng Twenty One Pilots, Skrillex, at Panic! At the Disco at iba pang artists, at bumenta ito ng 182,000 album units, ayon sa datos ng Nielsen SoundScan.

Pumangalawa naman ang Views ng Canadian R&B artist na si Drake, na bumenta ng 73,000 units, at ang Christian rock band na Skillet ang nasa No. 3 spot para sa kanilang debut album na Unleased.

Noong nakaraang linggo, nanguna ang Major Key ni DJ Khaled, na bumaba sa No. 7 ngayong linggo.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Itinatala ng Billboard 200 album chart ang mga naibebentang units mula sa album sales, song sales, at steaming activity.

Sa digital songs chart, na sumusukat sa kinita ng online single download, ang Let Me Love You ni DJ Snake na nagtatampok kay Justin Bieber, ay nag-debut sa No. 1 sa mahigit 113,000 kopyang naibenta. (Reuters)