RIO DE JANEIRO – May umusbong na pag-asa ang sambayanan kay Filipino-American Eric Cray.

Nagawang makausad sa semifinals ng 400-meter hurdles ang 27-anyos na si Cray, sa kabila ng maulan na kondisyon sa Rio Olympics.

“I’m real excited,” pahayag ni Cray, tumapos sa ikatlong puwesto sa Heat 4 ng naturang event.

“I just wanted to run as fast as I can and I did that and got to the semifinals. Hopefully I can make it to the finals.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinanganak sa Olongapo City si Cray, ngunit lumaki sa Texas.

Nabigyan niya ng tagumpay ang bansa sa nakalipas na dalawang edisyon ng Southeast Asian Games.

Ngayon, target niyang makasikwat ng gintong medalya, hindi man pantayan ang silver medal ni Hidilyn Diaz sa women’s 53 kg.

Naisumite niya ang bilis na 49.05 segundo, sa likod nina Keizuke Naisawa ng Japan at Irishman Thomas Barr.

“It felt good, I was relaxed. I thought I got second but when I came off the final hurdle and glanced to the left, I didn’t see anybody but close to the finish line, the guy (Barr) got me,” pahayag ni Cray.

“So next time I need to focus all the way through,” aniya.

Iginiit ni Cray na kabisado niya ang diskarte ni Naisawa na nakaharap na niya sa Kawazaki Grand Prix nitong Mayo sa Japan, kung saan kapwa nila naitala ang mas mababang tyempo.

“I knew he was good,” aniya.

Sumabak si Cray na No. 19 sa world ranking.

Nanguna sa qualifying heat si Annsert Whyte ng Jamaica na may personal best na 48.37 at London Olympic bronze medalist Javier Culson ng Puerto Rico (48.53).

Dalawang American ang umusad din sa semifinals, sina Byron Robinson (48.98) at two-time world champion Kerron Clement (49.17).

Sa kabila nang inaasang mabigat na labanan, kumpiyansa si Cray sa kanyang kampanya.

“They’re pretty fast, everybody basically’s close to it, so I’m hoping I can break 49 again in the semis,” pahayag ni Cray.

“Goal number one accomplished. Goal number two is get to the semis and run as fast as I can.”

Tapik sa balikat ni Cray ang pagkadiskwalipika ng paboritong si Nicholas Bett ng Kenya.

Tangan ng 26-anyos ang bentahe sa heat 5 nang sumabit siya sa hurdle at natumba sapat para mangulelat sa kanyang karera. Gayundin, hindi rin nakalusot si Michael Tinsley, Olympic silver medalist noong 2012. (AP)