RIO DE JANEIRO (AP) — Ipinahayag ng IAAF nitong Sabado (Linggo sa Manila) na banned na rin sa Olympics si long jumper Darya Klishina, tanging Russian na sumasabak sa athletics event sa Rio.
Binawi ng IAAF ang eligibility ni Klishina matapos matanggap ang pinakabagong impormasyon hingil sa doping results ng mga Russian athlete. Hindi naman inilahad ng IAAF kung anong ipormasyon ang kanilang natanggap.
Tanging si Klishina, dating European indoor champion, ang pinayagan sa 68 Russian athletics na makalaro sa Rio Olympics dahil nakabase ang kanyang pagsasanay sa Amerika.
Kaagad namang inapela ni Klishina ang desisyon ng IAAF sa Court of Arbitration for Sport. Ayon sa CAS ilalabas nila ang desisyon sa Linggo.
“I am a clean athlete and have proved that already many times and beyond any doubt,” pahayag ni Klishina sa kanyang Facebook page.
“Based in the US for three years now, I have been almost exclusively tested outside of the anti-doping system in question,” aniya.