Ni NITZ MIRALLES

ALDEN copy copyHINDI pa pala siguradong si Miguel Tanfelix ang gaganap bilang Mulawin na papasok sa Encantadia dahil may balitang baka si Alden Richards ang gumanap na taong ibon.

Ang sabi, nag-taping si Alden para sa special guesting niya sa teleserye bago siya nagtungo sa Morocco para sa photo shoot nila ni Maine Mendoza para sa glossy magazines.

Na-disappoint ang fans ni Miguel sa balitang ito, pero natuwa naman ang fans ni Alden na miss na siyang mapanood sa teleserye. Kahit sandali lang ang exposure ni Alden, granted na siya nga ang gaganap na Mulawin, natutuwa pa rin ang kanyang fans dahil kasama siya sa Encantadia.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya ang magandang gawin, abangan na lang kung sino kina Alden at Miguel ang gaganap na Mulawin at papasok sa Encantadia.

Samantala, last Friday ang schedule ng pagbabalik sa bansa ni Alden mula sa Morocco. May event siya kahapon for Boardwalk sa Baliuag, Bulacan and this Sunday, launching ng libro niyang In My Own Words na gaganapin sa Robinsons Galleria Activity Area, sa ganap na 4:00 hanggang 6:00 ng hapon.