IPINATAWAG ng US State Department si Philippine Embassy Charge d’Affaires Patrick Chuasoto noong Lunes upang hingan ng paliwanag hinggil sa umano’y “inappropriate remarks” ni President Rodrigo Roa Duterte laban kay US Ambassador Philip Goldberg. Sinabi ni Elizabeth Trudeau, director ng Department Press Office, na ipinatawag nila si Chuasoto para linawin ang lantarang pagtawag ni President Rody kay Goldberg bilang “gay” at “a son of a bitch.” Ang gay ay bakla sa Tagalog at bayot naman sa Bisaya.

Tandisang sinabi ni Trudeau na nababahala ang US State Department sa extrajudicial killings sa suspected drug dealers, pushers, users, na inilulunsad ni Mano Digong para tapusin ang illegal drug menace sa Pinas sa loob ng 3-6 na buwan. Nagsimula raw ang inis ni Duterte kay Goldberg noong panahon ng kampanya nang “birahin” siya ng US Ambassador bunsod ng “sexy joke” niya sa pag-rape at pagpatay ng mga preso sa isang magandang Australian missionary noong 1998 Davao City prisons riot. Nang makita raw ni Duterte ang bangkay ng beautiful Australian missionary, naibulalas niya na ang dapat mauna sa missionary ay ang Davao City mayor.

Nais ng US na tiyakin ng Duterte administration na hindi labag sa human rights ang pagpapatupad ng batas sa Pilipinas, partikular ang laban sa drug dealers. Sinabi ni Trudeau na nakikipag-usap ang mga US officials sa Filipino authorities hinggil sa kahalagahan ng rule of law, due process, na fundamental principle ng demokrasya. “We strongly urge the Philippines to ensure its law enforcement efforts, comply with its human rights obligations,” pahayag ni Trudeau.

Tiyak ngangawa na naman ang mga maka-kaliwa at militanteng grupo sa “pakikialam” na ito ng US ni Obama at hihiyaw sa mga lansangan laban sa mga Kano samantalang tiklop-tuhod sa pangangamkam ng China sa teritoryo natin sa West Philippine Sea. Ang dapat ninyong itanong sa kaalyado ninyong Mano Digong ay kung bakit hanggang ngayon ay wala pang bigtime drug lord/s ang napapatay, pero sandamukal ang mga uhugin at ordinaryong pushers, users ang tumitimbuwang araw-araw. Baka sabihin ni Digong: “Punta kayo sa China”. Eh, bakit hanggang ngayon humihinga pa rin ang ilang Chinese at Filipino drug lords sa New Bilibid Prisons na sabi ni RRD ay lilipulin niya. Bakit, bakit nga ba?

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Samantala, binigyang-diin ni Trudeau na ang $32 million assistance package na inihayag ni US State Sec. John Kerry nang bumisita sa Pinas kamakailan, ay bilang suporta sa RRD administration para sa pinaigting na law enforcment efforts upang maisulong ang human rights sa bansa sa pamamagitan ng pagsasanay at propesyonalismo, due process, at rule of law. (Bert de Guzman)