CABANATUAN CITY - Pinaniniwalaang inatake sa puso ang isang 67-anyos na lalaki na natagpuang patay sa loob ng isang hotel sa Barangay Mabini Homesite sa siyudad na ito ilang oras matapos itong mag-check in doon kasama ang isang babae, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, patay na nang natagpuan si Renato Bayan y Garcia, may asawa, ng Bgy. San Josef, ng room attendant na si Ericson Gabriel y Gatanghal, ng Bgy. Bulac, Talavera.

Sa imbestigasyon ni PO2 Manuel Carlo Glen Refe, dakong 10:20 ng umaga nang mag-check in sa GL Hotel ang biktima kasama ang hindi nakilalang babae, ngunit bandang 11:40 ng umaga ay lumabas na sa silid ang babae. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog