Nagwakas ang maliligayang araw ng isang magkapatid na umano’y kapwa tulak ng droga makaraan umano silang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanila sa isinagawang drug operation sa Barangay Puerto, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), pinaputukan ng baril nina Jose Louie Calderon at Ramon Carlos Calderon, ang mga operatiba na nagsasagawa ng anti-drug operation at nang gumanti ang mga pulis ay nasapol sa ulo ang magkapatid.

Nabawi ng pulisya sa crime scene ang .357 caliber pistol, .38 caliber revolver, at ilang sachet ng shabu at marijuana. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito