Sa halip na makulong nang habambuhay matapos hatulang guilty sa kasong kinakaharap, mas pinili na lamang ng isang inmate na wakasan ang sariling buhay sa loob ng Manila City Jail sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling araw.

Patay na nang madiskubre ng kanyang kapwa inmate si Edwin Lim, alyas “Golem”, 52, ng 107 Interior 6, Loreto St., Sampaloc Manila.

Sa salaysay ni Roberto Guirnalda, 54, kapwa inmate ni Lim, kukuha siya ng pera upang bumili ng kape nang mapansin ang biktima na nakaupo sa kanyang higaan.

Nang tingnan umanong mabuti ni Guirnalda ang biktima, nagulat siya nang mapansing nagbigti na pala ang biktima kaya’t kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa mga tauhan ng Manila City Jail.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa imbestigasyon, napag-alaman na nitong Lunes, Agosto 8, ay hinatulan ni Manila Regional Trial Court Branch 31 Presiding Judge Maria Sophia Solidum-Taylor ang biktima na guilty beyond reasonable doubt, sa dalawang kaso ng paglabag sa RA 9165 at hinatulang makulong ng habambuhay sa unang kaso, at 12 taon naman sa ikalawang kaso. Bukod dito, inatasan din ng hukom ang biktima na magbayad ng P8 milyon bilang multa.

Ayon kay Balagtas, marahil ay labis na naapektuhan ang biktima sa desisyon ng hukuman kaya’t mas minabuti pa nitong wakasan ang sariling buhay. (Mary Ann Santiago)