OLONGAPO CITY, Zambales – Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) ng Olongapo City ang presidente ng isang fishing rod manufacturer sa kabiguang bayaran ang mahigit P1.6-milyon kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kumpanya.

Sinabi ni SSS Assistant Vice President for Operations Legal Department Renato Jacinto S. Cuisia na hinatulan ng anim hanggang walong taong pagkakakulong si Hong Yeul Kim, Korean na presidente ng Jyung Myung Fishing Rod Manufacturing Corporation.

“Aside from imprisonment, the conviction of Mr. Kim also included civil liabilities, since the court has ordered him to pay P1,627,467.63 to SSS for unpaid contributions covering the period of July 1997 to June 2000 plus penalties of three percent per month, in line with the Social Security (SS) Act,” ani Cuisia. (Franco G. Regala)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito